--Ads--

Labintatlong katao ang nasawi at siyamnapu’t walong iba pa ang nasugatan matapos bahagyang madiskaril ang isang tren na may sakay na humigit-kumulang 250 passengers sa Oaxaca, southern Mexico, nitong Linggo.

Ayon sa Mexican Navy, na siyang nagpapatakbo ng rail line, lumihis sa riles ang locomotive habang nasa biyahe ang tren na bumabaybay sa pagitan ng Gulf of Mexico at Pacific Ocean.

Una’y iniulat ng mga awtoridad na dalawampu lamang ang sugatan, ngunit kalaunan ay kinumpirma na umabot sa 98 ang injured at 13 ang nasawi.

Iniutos ni Mexican President Claudia Sheinbaum sa Secretary of the Navy at iba pang senior officials na magtungo sa lugar upang tumulong sa mga biktima at kanilang pamilya.

--Ads--

Samantala, nagbukas na ng investigation ang Attorney General’s Office upang matukoy ang sanhi ng aksidente. Ang naturang rail line ay isang major infrastructure project na inilunsad noong 2023.