--Ads--

Nasugatan ang 14 na magkakamag-anak na sakay ng isang van matapos nitong mabangga ang isang bahay sa Cervantes, Ilocos Sur, Martes ng umaga.

Ayon sa Cervantes police, pababa ang van at nang nasa kurbada na bahagi na ng kalsada sa Barangay Aluling, nawalan umano ng kontrol ang driver sa sasakyan at dumiretso sa mga bahay na sa gilid ng kalsada bago sumampa sa second floor ng isang bahay.

Walang tao sa bahay nang mangyari ang insidente.

Agad namang dinala sa ospital ang 14 na lulan ng van galing Tuguegarao City at pupunta sana sa bayan ng Sigay, Ilocos Sur.

--Ads--

sa ngayon inaalam pa ng pulisya ang halaga ng mga pinsala sa naturang insidente