Naglabas ng paalala ang mga opisyal ng lokal ng pamahalaan ng lungsod ng Cauayan sa publiko na mag-ingat sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Miko Delmendo, sinabi niyang maigi na lang na wag lumabas sa mismong gabi ng pagpapaputok ng mga fireworks.
Ayon sa SB Member, isa kasi ito sa namomonitor ng kanilang opisina na marami sa mga mamamayan ay may mga naitatala na biktima ng mga paputok.
Giit ng konsehal, kung wala namang gagawing importante sa labas ay mas mabuti na manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang tahanan.
Hiling ng kanilang hanay na magkaroon ng mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon sa lungsod kaya’t ganon na lamang ang kanilang paalala.
Kabilang din sa binanggit ng Konsehal ay ang pag-iikot ng hanay ng mga awtoridad sa mismong gabi ng pagsalubong ng Bagong Taon. Mayroon na ring direktiba na sa POSD na mag-iikot sa buong kalunsuran sa mismong gabi ng pagsalubong para masiguro na lahat ng mga mamamayan ay ligtas sa pagsalubong nito.











