--Ads--

Natagpuang palutang lutang sa ilog na nasasakupan ng Barangay Labinab Cauayan City ang bangkay ng isang lalaki na tinatayang edad  50-60 years old, walang damit pang itaas at nakasuot ng black na shorts at  pulang briefs.

Unang nakatanggap ng tawag ang pamunuan ng Barangay kaugnay sa pagkakatagpo sa katawan ng isang lalaki sa ilog malapit sa ginagawang flood control project.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Jhong Estrada, sinabi niya na ang nalunod na lalaki ay kinakasama ng kaniyang tiyahin na si Ginang Melita Marcos na dalawang araw na umanong nawawala.

Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang mga awtoridad para maiahon sa ilog ang katawan ng biktima.

--Ads--

Nakuha sa pagiingat nito ang 150 pesos na cash, cellphone, spark plug at ilang susi.

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na nakapagtala sila ng ganitong insidente.

Sa ngayon dinala na ang labi sa punerarya kung saan ito pupuntahan ng knailang kaanak.