Nasunog ang isang kotse matapos itong tumaob sa palayan sa gilid ng national highway na nasasakupan ng Raniag, Ramon, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jay-ar Olya-on, Chief of Police ng Ramon Police Station, sinabi niya na habang binabaybay ng naturang sasakyan ang hilagang direksyon ay sumabog ang isang gulong nito dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver.
Tumaob ang sasakyan matapos itong mapunta sa palayan sa gilid ng daan.
Nagtamo naman ng minor injuries ang tatlong sakay nito na magkakapamilya at ngayon ay maayos na ang kalagayan.
Nang makalabas na ang tatlong sakay nito ay dito na nagliyab ang sasakyan matapos magkaroon ng spark sa sasakyan.
Batay sa salaysay ng mga biktima, matagal nang naka-stock ang sasakyan sa kanilang bahay at hindi na gaanong nagagamit kaya naman napag-isipan ng mga ito na I-test drive subalit hindi nila napansin na hindi na maganda ang kondisyon ng gulong.











