Isang matinding sunog ang sumiklab sa bar na Le Constellation sa ski resort ng Crans-Montana sa Swiss Alps habang isinasagawa ang New Year celebration, na nagresulta sa maraming nasawi at nasugatan, ayon sa pulisya.
Tinatayang 40 katao ang pinaniniwalaang nasawi habang humigit-kumulang 100 katao ang nasugatan, karamihan ay nasa malubhang kondisyon. Wala pang inilalabas na eksaktong bilang ng casualties habang nagpapatuloy ang rescue at identification operations.
Agad na rumesponde ang mga ambulansya at helicopter upang sagipin ang mga biktima, kabilang ang ilang dayuhang turista. Dahil sa dami ng sugatan, mabilis na napuno ang mga pasilidad ng regional hospital.
Nagsimula ang sunog bandang 1:30 a.m. habang mahigit isang daang katao ang nasa loob ng gusali. Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog habang isinara ang lugar at ipinagbawal ang paglipad sa himpapawid ng Crans-Montana.
Ang Crans-Montana ay isang internationally renowned ski resort sa gitna ng Swiss Alps, humigit-kumulang 25 miles hilaga ng Matterhorn.





