Naitala ng Luna Police Station ang Zero Casualty sa katatapos na pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Jonathan Ramos ang hepe ng Luna Police Station, sinabi niya na naging abala sila sa monitoring ng mga pagpapaputok nitong pagsalubong ng Bagong Taon kung saan naging mahigpit sila s apanghuhuli ng mga gumagamit ng boga.
Aniya ilang araw bago matapos ang 2026 ay nakakumpioska sila ng ilang ipinagbabwal na boga mula sa mga kabataan.
Maliban sa boga ay binantayan nila ang iligal na pagbebenta ng paputok.
Sa ngayon ang mga nakumpiska sa boga ay naipasakamay sa Isabela Police Provincial Office kung saan isinagawa ang pagwasak sa mga improvised na paputok o pampaingay kabilang ang boga.
Rumesponde rin sila sa ilang reklamo ng noisy mufflers dahil sa kaliwa’t kanang reklamo sa mga maiingay na tambutso o modified mufflers.
Samantala, naging maganda naman ang pagsalubong gn Bagong taon sa Luna dahil sa pormal na ring pinailawan ng LGU Luna ang kahabaan ng National Highway bago paman magpalit ang taon.
Malaking tulong ito para sa PNP dahil sa mas maliwanag na ang mga kalsada sa pambansang lansangan na magiging daan para maiwasan o mapababa ang anumang vehicular accidents.









