--Ads--

Umabot sa 52.02 milyong pasahero ang dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2025, pinakamataas sa kasaysayan at mas mataas kaysa 50.1 milyon noong 2024. Pinakabusiest ang Disyembre 2025 na may 4.86 milyon pasahero.

Ayon sa New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), dulot ito ng patuloy na demand sa air travel, pagpasok ng bagong airlines gaya ng Air Canada at Air India, at dagdag na eroplano ng Cebu Pacific at Philippine Airlines (PAL). Bago matapos ang taon, tinanggap ng PAL ang unang Airbus A350-1000 sa Southeast Asia para sa transpacific flights.

Sa ilalim ng P170.6-bilyong rehabilitation, nagdagdag ang NAIA ng biometric e-gates upang mapabilis ang proseso ng pasahero.

Samantala, iniulat ng Philippine Coast Guard na

--Ads--