--Ads--

Opisyal na kinilala ng Guinness World Records ang Rio de Janeiro bilang host ng pinakamalaking New Year’s Eve celebration sa mundo matapos makumpirma na humigit-kumulang 2.5 milyong tao ang nagtipon sa Copacabana Beach upang salubungin ang 2025.

Ipinresenta ang sertipikasyon ilang araw bago ang taunang Reveillon, na dinaluhan ni Mayor Eduardo Paes at Guinness representative Camila Borenstein.

Bukod sa dami ng tao, kinilala rin ang lawak ng produksyon, kahalagahang kultural, at mahigpit na safety at sustainability measures ng lungsod. Tinatayang umabot sa 5 milyon ang kabuuang dumalo sa iba’t ibang venues sa Rio.

Tampok sa selebrasyon ang tatlong pangunahing entablado, performances mula sa mga kilalang artist gaya nina Gilberto Gil, Ney Matogrosso, Belo, Alcione at Alok, 12 minutong fireworks mula sa 19 floating platforms, at 1,200 drones na nagbigay ng synchronized light show sa ibabaw ng Atlantic.

--Ads--