--Ads--

Inaasahang mananatili sa mataas na presyo ang mga karne ng baboy sa lungsod ng Cauayan hanggang sa katapusan ng Enero, ayon sa lokal na nagtitinda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Judith Dalmacio, meat vendor sa palengke, kasalukuyang nasa ₱340 hanggang ₱360 kada kilo ang presyo ng baboy, mula sa dating ₱320 kada kilo. Aniya, bagamat sapat ang suplay sa merkado, tumaas ang presyo dahil sa demand ngayong kapaskuhan at Bagong Taon.

Giit ni Delmacio, inaasahan nilang patuloy ang bahagyang pagtaas ng presyo sa loob ng buwan kung walang kakulangan sa suplay. Sa kasalukuyan, tumaas ito ng humigit-kumulang ₱40 kada kilo kumpara sa dating presyo.