--Ads--

Arestado ang isang laborer matapos ang tangkang pananaksak sa kanyang kabarangay sa lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang biktima na si alyas Bong, 59 taong gulang, residente ng Barangay Dianao, habang ang suspek ay si alyas Berto, 53-anyos, isa ring laborer at naninirahan sa parehong barangay.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa bahay ni alyas Eddie upang magkape. Habang umiinom, lumapit ang suspek at binunot ang isang kutsilyo, na nagtangkang undayan ng saksak ang biktima. Mabuti na lamang at napansin agad ni alyas Eddie ang ginawa ng suspek, kaya naipigilan ang pananaksak.

Agad namang tumakbo ang biktima patungo sa kanyang bahay habang ang suspek ay inaresto at dinala sa Cauayan City Police Station.

--Ads--

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang suspek ukol sa motibo nito sa krimen.