--Ads--

Nakapagtala ng limang firecracker-related incident ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid, Information Officer ng NVPPO sinabi niya na mababa ang nasabing bilang kung ikukumpara sa 15 na naitala noong nakaraang taon.

Tatlo sa nasabing insidente ay naganap sa bayan ng Solano, isa sa Aritao at isa sa Bayombong Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMaj. Aggasid, pawang minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima at agad ding nakalabas sa pagamutan matapos gamutin ang kanilang pasa sa katawan.

--Ads--

Batay sa isinagawa nilang operasyon sa mga bentahan ng paputok sa lalawigan, walang nakumpiskang iligal na paputok maliban sa mga boga na nakumpiska sa mga nahuling bata na gumagamit nito.

Samantala nagdeploy na ang NVPPO ng mga personnel sa mga strategic areas ng national highway para sa assistance sa mga byahero na uuwi matapos ang holiday season.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa DPWH para sa augmentation support sakaling may maganap na aksidente sa lansangan.

Muli namang nagpaalala ang pulisya sa mga bibyahe na magbaon ng pasensya, maging maingat at suriin ang sasakyan bago bumyahe upang makaiwas sa anumang aberya o aksidente.