--Ads--

Itinanggi ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang kumalat na tsismis na naospital ang kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla, at sinabing naglalaro ito ng golf noong Biyernes ng umaga.

Matatandaan na kumalat sa social media ang ilang impormasyon na naospital si Ombudsman Remulla, partikular mula sa kanyang mga kritiko at tagasuporta ng pamilya Duterte.

Nang tanungin kung magsasampa ng kaso laban sa mga nagpakalat ng maling impormasyon, inihayag ng kalihim na wala itong plano.


Nauna nang ibinunyag ni Ombudsman Remulla na siya ay nagkaroon ng sakit sa puso, sumailalim sa quintuple bypass, at kalaunan ay na-diagnose ng leukemia.

--Ads--

Tiniyak ng kanyang tanggapan na siya ay nasa mabuting kalusugan at cancer-free na sa loob ng isa’t kalahating taon.