Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Alternate Temporary Passageway o Bridge Connector sa Span No. 3 ng Cabagan–Sta. Maria Bridge, kasunod ng patuloy na pagdating ng mga kinakailangang construction materials para sa proyekto.
Isinasagawa ang naturang proyekto bilang pansamantalang solusyon upang maibalik ang daloy ng trapiko at koneksyon ng mga apektadong lugar habang inaayos ang nasirang bahagi ng tulay na gumuho noong Pebrero 2025.
Ang pagsisimula ng konstruksyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang tapusin ang proyekto upang mabawasan ang epekto nito sa kabuhayan at pang-araw-araw na gawain ng mga residente.
Ayon sa DPWH Region 2, tuluy-tuloy at 24/7 ang isasagawang construction activities upang mapabilis ang pagkumpleto ng tulay at maibalik ang normal na serbisyong pampubliko sa lugar.










