--Ads--

Matatagpuan sa lungsod ng Lutsk, Ukraine ang isang pambihirang “Soviet relic” na kasalukuyang may hawak ng titulo bilang pinakamahabang residential building sa buong mundo.

Kilala sa tawag na “The Great Wall of China”, ang dambuhalang istrukturang ito ay may kabuuang haba na 2.75 kilometers at nagsisilbing tahanan ng mahigit 10,000 residente sa loob ng mahigit 3,000 apartments.

Sinimulan itong itayo noong 1969 sa panahon ng Soviet Union. Inabot ng 11 taon bago natapos ang proyektong idinesenyo ng mga arkitektong sina R. G. Metelnitsky at V. K. Malovitsa upang magkaroon ng unique “honeycomb shape” kapag tiningnan mula sa himpapawid.

Dahil sa sobrang laki at lawak ng gusali, sinasabing inaabot ng isang oras na paglalakad upang makalabas dito.

--Ads--

Noong bagong tayo pa lamang ito ay madalas maligaw ang mga bagong lipat na residente sa paghahanap ng kanilang unit sa loob ng ilang linggo, kaya kinailangan magpatupad ng espesyal na address system para sa bawat seksiyon.

Sa kasalukuyan, bagama’t malayo ito sa front lines ng giyera sa Russia, nangangailangan ang gusali ng matinding pagkumpuni, kaya’t plano ng isang local travel agency na gawin itong tourist attraction at mag-offer ng roof tours upang makalikom ng pondo para sa maintenance nito.