--Ads--

Apat na miyembro ng Philippine National Police ang posibleng masibak sa serbisyo matapos masangkot sa mga kaso ng indiscriminate firing noong pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon sa PNP, agad na ipinag-utos ng pamunuan ang masusing imbestigasyon at iginiit na ang ganitong kilos ay mabigat na paglabag sa disiplina.

Batay sa ulat, kabilang ang apat na pulis sa kabuuang 16 na indibidwal na iniugnay sa mga insidente na naitala mula Disyembre 16, 2025 hanggang Enero 1, 2026.

Tatlo sa mga pulis ang na-disarm at kasalukuyang nakadetine, habang patuloy pa ang paghahanap sa isang patrolman na sangkot sa insidente sa Cagayan de Oro.

--Ads--

Tiniyak ng PNP na haharap sa kaukulang parusa ang lahat ng responsable, pulis man o sibilyan, sa ilalim ng mga kasong administratibo at kriminal.