--Ads--
Isang 84-anyos na retiradong guro at librarian mula Tennessee, U.S.A. ang ginawaran ng Guinness World Records matapos maglingkod ng 61 taon sa Westmoreland High School.
Si Glenda Akin, na nagsimula noong 1963, ay kinilala bilang “longest serving female teacher at a single school.”
Itinuring niyang pamilya ang komunidad ng paaralan at nanatiling masigasig sa pagtuturo mula blackboard hanggang computer.
Kilala rin siya sa pagtutol sa book banning at sa kabila ng pagreretiro, patuloy siyang nagbo-volunteer sa mga library — patunay ng kanyang walang-hanggang pagmamahal sa edukasyon.
--Ads--











