Nadakip ang isang Grade-12 Student matapos umanong magnakaw ng mga paninda sa loob ng isang mall sa Cauayan City pasado alas-11:40 ng umaga nitong ika-apat ng Enero.
Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si alyas “Fe,” 18-anyos at residente ng District 1, Cauayan City.
Ayon sa ulat, napansin ng isang security guard ang suspek na kumuha ng dalawang set ng medyas at isang bomber jacket at inilagay umano ang mga ito sa kanyang bag.
Lumabas umano siya ng tindahan nang hindi nagbabayad ngunit agad na hinabol at naabutan sa labas ng establisimyento matapos mabigong magpakita ng resibo.
Nabawi ang mga panindang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1,700 matapos dalhin ang suspek sa opisina ng customer relations.
Ini-endorso ang insidente sa pulisya bandang alas-4:00 ng hapon sa parehong araw. Nasa kustodiya na ngayon ang suspek para sa imbestigasyon at kaukulang dokumentasyon habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
--Ads--











