--Ads--

Dalawang katao ang binaril ng US Federal Agents sa Portland, Oregon ayon sa lokal na pulisya.

Ayon sa Portland Police Department, tumugon ang mga pulis sa isang tawag para sa tulong at natagpuan ang isang lalaki at isang babae na may “apparent gunshot wounds.”

Kinumpirma ng mga opisyal na may kinalaman ang mga Federal Agents sa pamamaril at idinagdag na hindi sangkot ang Portland Police sa insidente.

Ayon sa sources, ang mga Federal Agents na sangkot ay mula sa U.S. Customs and Border Protection (CBP), at hindi mula sa Immigration and Customs Enforcement (ICE).

--Ads--

Nilapatan ng tourniquet ang mga pulis at tumawag ng mga emergency medical personnel. Dinala sa ospital ang dalawang biktima ng pamamaril, ngunit hindi pa alam ang kanilang kalagayan, ayon sa pulisya.

Ang lalaking binaril umano ang tumawag para humingi ng tulong sa Northeast 146th Avenue at East Burnside Street, kung saan natagpuan ang parehong biktima.

Ayon sa mga source, rumeresponde na rin ang FBI sa pinangyarihan ng insidente.

Antabayanan ang iba pang updates at detalye sa Bombo Radyo Cauayan.