--Ads--

Posible pang masundan ang transaksyon ng mga kapulisan pagdating sa pagsabat ng smuggled products na ipinapasok sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ay matapos masabat ng mga awtoridad ang mahigit kalahating milyong piso na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Cauayan City nitong Biyernes, Enero 9.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Avelino Canceran Jr., Hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya nang minamanmanan ng mga awtoridad ang pagbiyahe sa mga naturang smuggled na sigarilyo na mula sa Maynila at ibinabiyahe patungong Lambak ng Cagayan at mga karatig na Rehiyon.

Dahil dito ay agad na nagkasa ng checkpoint ang mga awtoridad sa Barangay Alinam, Cauayan City, Isabela na nagresulta sa pagkakadakip ng isang lalaking suspek na nagmaneho ng isang van na kargado ng nasabing mga sigarilyo.

--Ads--

Aaabot sa 25 boxes ng sigarilyo ang nakumpiska sa mga suspek at bawat kahon ay naglalaman ng 50 reams of cigarette.

Bigo naman ang driver na magpakita ng anumang legal na dokumento upang patunayan ang pinagmulan at legalidad ng mga nasabing produkto.

Hinikayat naman niya ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya kung mayroon man silang impormasyon kaugnay sa pagpupuslit ng mga smuggled na produkto sa lalawigan.