Maagang naghanda ang mga staff ng Local Government Unit ng Cauayan City para sa Una Ka Dito Caravan o City Hall on Wheels na isinagawa sa Barangay Turayong, Cauayan City.
Layunin ng naturang programa na ilapit ang serbisyo ng local na pamahalaan sa mga mamamayan ng Cauayan.
Ngayong araw, makikinabang sa programa ang mga residente ng barangay Turayong at Alicaocao.
Sa ilalim ng program ay nagbigay ang city hall on wheels ng iba’t ibang serbisyo sa taumbayan kabilang na ang pamamahagi ng libreng gamot, medical at dental checkups, gayundin ang social welfare assistance, libreng legal service, scholarship assistance, proseso ng pagkuha ng City ID at iba pa.
Tiniyak naman ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan na ipagpapatuloy ang naturang programa sa iba pang barangay sa Lungsod upang mas marami pang residente ang makinabang sa serbisyo ng pamahalaan.










