--Ads--

Naglunsad ang United States ng panibagong retaliatory airstrikes laban sa Islamic State (IS) sa Syria, kasunod ng ambush noong nakaraang buwan na ikinasawi ng dalawang U.S. soldiers at isang American civilian interpreter.

Ayon sa U.S. Central Command (CENTCOM), isinagawa ang large-scale strikes bandang 12:30 p.m. ET, kasama ang mga partner forces. Tinamaan ng mga airstrike ang multiple IS targets sa iba’t ibang bahagi ng Syria.

Bahagi ang mga operasyong ito ng mas malawak na military operation bilang tugon ni President Donald Trump sa deadly ISIS attack sa Palmyra na ikinamatay nina Sgt. Edgar Brian Torres-Tovar, Sgt. William Nathaniel Howard, at ng interpreter na si Ayad Mansoor Sakat.

Isang araw bago ang naturang airstrike, sinabi ng mga Syrian officials na naaresto ng kanilang security forces ang military leader ng IS operations sa Levant.

--Ads--

Tinawag ng Trump administration ang tugon sa Palmyra attack bilang Operation Hawkeye Strike.

Sinimulan ang operasyon noong December 19, kung saan tinamaan ang mahigit 70 IS targets sa central Syria, kabilang ang infrastructure at weapons storage ng grupo.

Sa loob ng maraming taon, ang Kurdish-led Syrian Democratic Forces (SDF) ang pangunahing partner ng US sa laban kontra IS. Ngunit matapos mapatalsik si dating Syrian President Bashar Assad noong December 2024, mas pinalawak ng Washington ang koordinasyon nito sa central government ng Damascus.

Kamakailan lamang ay opisyal na ring sumali ang Syria sa global coalition laban sa Islamic State.