--Ads--

Arestado ang isang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng Isabela Police Provincial Office (PPO), bandang 10:09 ng gabi noong Enero 10, 2026, sa bypass road ng Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Benigno,” 46 taong gulang, may asawa at walang trabaho.

Ang operasyon ay isinagawa ng Aurora Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit–Isabela PPO, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office 2.

Nakumpiska mula sa suspek ang kabuuang 0.9 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱6,120.00, kabilang ang buy-bust item at karagdagang sachet ng ilegal na droga. Kabilang din sa mga narekober ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na may 0.4 gramo ng hinihinalang shabu bilang buy-bust item, isa pang sachet na may 0.5 gramo ng hinihinalang shabu, isang bukas na maliit na sachet na may residue ng hinihinalang shabu, isang Redmi cellular phone, isang itim na wallet, isang ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang driver’s license ID, isang Honda Click motorcycle na kulay puti-itim na walang plaka, at isang light blue na backpack.

--Ads--

Ang lahat ng ebidensya ay maayos na minarkahan, kinuhanan ng litrato, at isinailalim sa imbentaryo sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at ng mga kinatawang saksi mula sa National Prosecution Service, media, at lokal na pamahalaan ng Barangay Sta. Rita.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Aurora Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang hinihikayat ng Isabela PPO ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad upang tuluyang masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.