Hiniling ni Atty. Harry Roque sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pamamagitan ng Commission on Bar Discipline, na ibasura ang disbarment complaint na inihain ni Atty. Melvin Matibag.
Inihain ni Matibag ang disbarment case laban kay Roque dahil sa paglabas umano nito ng “polvoronic” video na sinasabing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr umano ang nasa video.
Sinabi ng dating presidential spokesperson, naniniwala ito na ang nasabing video ay “authentic” dahil sinuri pa ito ng mga Audio/ Video Forensic Experts.
Iginiit nito na bahagi lamang ng malayang pamamahayag ang mga komento nito sa kaniyang mga social media.
Nag-ugat ang reklamo sa pag-post ni Roque ng tinaguriang “polvoronic” video na nagpapakita ng isang lalaki na tila sumisinghot ng puting pulbos, na sinasabing si Pangulong Marcos Jr.
Inihain ni Atty. Melvin Matibag ang disbarment complaint noong Setyembre 2024 sa Supreme Court, na kalaunan ay tinukoy sa IBP Commission on Bar Discipline.
Layunin ni Matibag na magtakda ng malinaw na pamantayan sa paggamit ng social media ng mga abogado, lalo na kung may kinalaman sa mga sensitibong isyu.
Iginiit naman ni Roque na nagsagawa siya ng masusing pagsusuri bago ibahagi ang video. May audio/video forensic expert na umano’y nagpatunay na walang ebidensiya ng editing.
Ayon kay Roque, ang kanyang mga komento sa social media ay bahagi ng kanyang karapatan sa malayang pamamahayag, at hindi dapat ituring na paglabag sa Code of Professional Responsibility.
Sa kanyang mosyon sa IBP, hiniling niyang ibasura ang reklamo dahil wala itong sapat na batayan.
Ang IBP Commission on Bar Discipline ang unang tumitingin sa mga disbarment complaints bago ito umakyat sa Supreme Court para sa pinal na desisyon.
Kung mapatunayang may paglabag, maaaring masuspinde o matanggal sa hanay ng mga abogado si Roque.
Sa kabilang banda, kung ibabasura ng IBP ang reklamo, mawawalan ng bisa ang kaso laban sa kanya.
Ang pagbabasura ng kaso ay magpapatibay sa kanyang posisyon na ang kanyang mga pahayag ay saklaw ng free speech.
Ang kaso ay maaaring maging precedent sa kung paano titingnan ng korte ang paggamit ng social media ng mga abogado.










