--Ads--

Hiniling ni Atty. Harry Roque sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), sa pamamagitan ng Commission on Bar Discipline, na ibasura ang disbarment complaint na isinampa ni Atty. Melvin Matibag.

Isinampa ni Matibag ang kaso laban kay Roque dahil sa umano’y pagpapakalat ng “polvoronic” video, na sinasabing naglalaman ng imahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Roque, naniniwala siya na ang nasabing video ay tunay, batay sa pagsusuri ng mga Audio/Video Forensic Experts. Iginiit niya na ang kaniyang mga komentaryo sa social media ay bahagi lamang ng malayang pamamahayag.