--Ads--

Isa na namang makasaysayang tagumpay ang naitala ni Kevin Durant matapos niyang malampasan ang NBA legend na si Wilt Chamberlain sa listahan ng all-time scorers ng liga.

Umangat sa ika-7 puwesto si Durant sa Top 10 All-Time Scorers in NBA History matapos maitala ang 31,435 career points kumpara sa 31,419 points ni Chamberlain.

Naitala niya ang milestone matapos pumukol ng 3-pointer sa third quarter sa laban ng Houston Rockets kontra Portland Trail Blazers noong Biyernes, kahit nauwi sa 111-105 na pagkatalo ang kanilang koponan..

Samantala, nananatili pa ring nangunguna sa all-time scoring list si LeBron James na may 42,575 puntos as of January 9, 2026.

--Ads--

Sumunod si Kareem Abdul-Jabbar (38,387); Karl Malone (36,928); Kobe Bryant (33,643); Michael Jordan (32,292); Dirk Nowitzki (31,560); Durant (31,435); Chamberlain (31,419); Shaquille O’Neal (28,596) at James Harden (28,563).