--Ads--
Inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na gigibain na sa mga susunod na buwan ang custodial center sa Camp Crame, National Headquarters ng Philippine National Police (PNP), upang bigyang-daan ang pagtatayo ng bagong gusali.
Nilinaw ni Remulla na pinahihintulutan ang mga detainee na makatanggap ng pagkain mula sa labas ng pasilidad, ngunit hindi ito maaaring ihanda sa loob ng custodial center.
Ito ay kaugnay ng mga ulat na nakatanggap umano ng lechon sina dating senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada habang sila ay nakadetine.
Ayon pa sa kalihim, ililipat ang mga kasalukuyang detainee sa mga alternatibong pasilidad sa Taguig o sa Camp Karingal kapag sinimulan na ang demolisyon ng naturang gusali.
--Ads--











