Isang 50-anyos na welder ang naaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng hinihinalang iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-7:00 ng gabi noong Enero 8, 2026 sa Purok 1, Barangay Baluarte, Santiago City.
Itinago ang suspek na si alyas “Caloy,” residente ng Barangay Malvar. Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Presinto Tres ng Santiago City Police Office bilang lead unit, katuwang ang City at Regional Intelligence Unit, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.60 gramo at tinatayang halagang higit apat na libong piso (4,000). Nakuha rin sa kanya ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.
Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Home Local News
50-anyos na welder, timbog sa buy-bust operation sa Santiago City
--Ads--











