--Ads--

Naglabas ng cease-and-desist order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Visayas laban sa Prime Integrated Waste Solutions, Inc. (PWS), operator ng gumuhong landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City kung saan ilang katao ang nasawi.

Ayon sa DENR-EMB Region VII, matapos ang inspeksyon noong Enero 9, agad na ipinatigil ang operasyon ng landfill alinsunod sa EMB MC 2007-002, maliban na lamang sa mga aktibidad na may kinalaman sa rescue, retrieval, at cleanup.

Dagdag pa ng ahensya, ipinatawag ang kumpanya sa isang technical conference upang maglatag ng mga detalye at magsumite ng compliance plan sa loob ng 90 araw.

Batay sa ulat ni Cebu City Mayor Nestor Archival, walo na ang kumpirmadong nasawi habang 28 pa ang nananatiling nawawala matapos ang landslide noong Enero 8.

--Ads--


Sinabi ng DENR Central Visayas na magsasagawa ito ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng trahedya at papanagutin ang mga responsable.

Dagdag pa ng ahensya, nire-review ang mga oversight measures upang matiyak ang buong pagsunod sa batas.


Samantala, naghain ng Senate resolution upang imbestigahan ang pagsunod ng mga sanitary landfill sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 kasunod ng insidente sa Barangay Binaliw.