--Ads--

Nakapagtala ng magkakasunod na accomplishements ang hanay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa unang dalawang Linggo ng 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio, Information Office ng IPPO, sinabi niya ilan sa mga indibidwal na naaresto ng kanilang ng kanilang hanay ngayong Enero ay lumabag sa Republic Act 9265 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 of Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Matagumpay ding nadakip ang 27 wanted persons sa lalawigan ng Isabela.

Isa sa pinakamalaking operasyon ng IPPO ngayong pagsisimula ng taon ay pagkakasabat sa kalahating milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Cauayan City nitong Enero 9.

--Ads--

Ito ay bunga umano ng pagiging mas agresibo ng mga kapulisan sa pagsawata sa mga lumalabag sa batas.

Kung matatandaan, nagpalit ng liderato ang IPPO nitong Enero 5 kung saan pinalitan ni PCol. Manuel Bringas si PCol. Lee Allen Bauding bilang Provincial Director ng mga kapulisan sa lalawigan.

Alinsunod sa bagong direktiba ng Acting PD, ang mga kapulisan ay dapat I-observe ang tinatawag na “Bringas Model” na ang ibig sabihin ay Act Fast, Act Smart and Act with Integrity.

Mas lalo ring paiigtingin ang police presence sa lalawigan sa pamamagitan ng pagdedeploy ng mga PNP personnel na magsasagawa ng mobile patrol, foot patrol upang mapaigting ang ugnayan ng mga Pulis sa komunidad.

Tiniyak ni PCapt. Topinio na hindi nila hahayaang na may mga ilegal na aktibidad sa lalawigan kaya naman maigting ang ginagawang monitoring ng kanilang mga operatiba upang agad na masabat ang mga indibidwal na nagnanais gumawa ng hindi maganda.