Binaluktot ng contortionist na si Eddie John Browne, o mas kilala bilang “Eddie Flexible”, ang kanyang sarili upang mapabilang sa Guinness World Records 2026.
Ang self-taught performer ay nagtala ng dalawang pambihirang record: una ay ang ‘most full body revolutions maintaining a chest stand position’ kung saan nagawa niyang umikot ng 38 beses sa loob ng isang minuto habang nakadapa ang kanyang dibdib sa sahig, at pangalawa ay ang ‘most consecutive full body revolutions with a backbend handstand’ kung saan naka-handstand naman siya habang umiikot nang 21 beses nang sunud-sunod.
Mula sa pagiging batang nag-eeksperimento sa kanyang kuwarto sa Sierra Leone sa edad na pito, ngayon ay isa na siyang performer sa prestihiyosong Cirque du Soleil na nag-to-tour sa North America.





