--Ads--

Dalawang opisyal ng National Bureau of Fire Protection (BFP) ang sinibak dahil sa umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa overpriced fire extinguishers.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakalikom sila ng P30 milyon mula sa isang gusali lamang.

Aniya, tila magkamag-anak ang inspector at supplier, kaya pinilit nilang kumuha ng kagamitan sa iisang source, na overpriced ng 100%, at ito ang pinaghahati-hatian nila sa itaas. Bago pa man naganap ang transaksyon ay naagapan na ito, ngunit naroon na ang pagtatangka.

Ang mga opisyal ay mula sa BFP-Quezon City at BFP-NCR at isinailalim sa administrative relief upang hindi makaapekto sa kasalukuyang imbestigasyon.

--Ads--

Ayon kay Remulla, sistemiko ang korapsyon sa BFP mula sa mga inspector hanggang sa pinakamataas na opisyal, at marami pang kaso ang kasalukuyang iniimbestigahan.

Idinagdag niya na ito ay isang halimbawa ng korapsyon sa pinakamalalang anyo, kung saan ang katiwalian ay umaabot mula sa mga inspector hanggang sa mga chief ng BFP.

Pinayuhan ng BFP ang publiko na agad i-report ang anumang katulad na insidente sa kanilang tanggapan.