--Ads--

Puntirya ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapalakas pa ang mga naitatag na Negosyo Center sa buong Rehiyon Dos upang masuportahan ang mga MSME.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Ma. Sofia Narag, sinabi niya na magsasagawa sila ng Memorandum of Agreement para sa pagpapalakas ng Bamboo Industry sa Cauayan City at sa pag-renew ng Negosyo Center.

Malaking tulong aniya ito upang higit na makasuporta sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME).

Ang mga Negosyo Center, ayon kay Narag, ang nagsisilbing sangay kung saan maaaring dumulog ang mga maliliit na negosyo sa Cauayan at sa buong Lambak ng Cagayan para sa mga concern kaugnay sa Business Registration, Training, Consultancy Services, at Consumer Welfare Protection.

--Ads--

Dagdag pa niya, natutuwa siya sa development plan ni Cauayan Mayor Jaycee Dy na nakatuon sa pagtulong sa mga maliliit na negosyo—layuning mas mapalawig pa hindi lamang sa Cauayan City kundi sa buong bansa.