--Ads--

Nananatiling “under negotiation” pa rin ang usapin ng pag-turn-over ng palengke sa Local Government Unit ng Cauayan mula sa Primark.

Matatandaang tinanggalan ng prangkisa ang naturang kumpanya noong nakaraang taon dahil sa ilang mga paglabag.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cauayan City Mayor Ceasar Dy Jr., sinabi niya na bumubuo ang LGU ng technical working group para sa proseso ng pag-turn over subalit nilinaw ng Alkalde na hindi pa ito pinal.

Prinopose aniya ng LGU sa naturang kumpanya na hindi nila balak kunin ang kabuuan ng Primark dahil ang layon lamang nila ay mailipat sa pamamahala ng pamahalaan ng Cauayan ang Palengke.

--Ads--

Aniya, mga legal teams na ng magkabilang panig ang nag-uusap kaya hindi pa siya makapaglabas ng karagdagang mga impormasyon hinggil dito.

Tiniyak naman ng Alkalde na kakampi sila ng mga vendors sa pamilihan kaya patuloy umano ang ginagawa nilang pakikipag-negosasyon upang mapamahalalaan nilang muli ang pamilihan at matugunan ang hinaing ng mga market vendors.