--Ads--

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang indibidwal matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Cauayan City Drugs Enforcement Unit kahapon, ika-13 ng Enero, dakong alas-3:40 ng hapon sa Purok 7, Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “She,” 38 taong gulang, at residente ng Barangay San Fermin, Cauayan City.

Nasamsam mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang iligal na droga, isang 500-pesos bill na ginamit bilang buy-bust money, isang driver’s license, isang kolong-kolong, at isang mobile phone.

Matapos ang operasyon, agad na dinala ang suspek sa Cauayan Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--