--Ads--

Matagumpay na naaresto ng Diffun Police Station ang Number 6 Most Wanted Person (Regional Level) na nahaharap sa tatlong kasong ng Qualified Rape of a Minor, Sexual Assault (Article 266-A ng Revised Penal Code), at Acts of Lasciviousness (Article 336) ngayong araw, ika-13 ng Enero 2026 sa Mangalad, Pangasinan.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 32, Cabarroguis, Quirino, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa tatlong bilang ng Qualified Rape of a Minor. Samantala, itinakda ang ₱180,000 piyansa bawat kaso para sa Sexual Assault at Acts of Lasciviousness.

Ayon sa Quirino Provincial Police Office (QPPO), isinagawa ang pag-aresto nang naaayon sa batas at agad ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Diffun Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa kanyang pagharap sa hukuman.

Sa pahayag ni PCOL Paul Y. Gamido, Provincial Director ng Quirino PPO, sinabi niyang ang matagumpay na pag-aresto ay patunay ng tuloy-tuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at ng kanilang matibay na paninindigan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Quirino.

--Ads--