Nananatiling isang tropical depression ang Bagyong Ada habang bumabagal ang paggalaw nito sa Philippine Sea, 545 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules ng hapon, Enero 14, 2026.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 km/h at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, kabilang ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, and Surigao del Sur.
Inaasahang magdadala ang Ada ng malalakas na hangin, pag-ulan, at maalong karagatan, at posibleng lumakas bilang tropical storm sa loob ng 24 oras.
Pinapayuhan ang publiko at mga mangingisda na mag-ingat at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan.
Home Weather Update
Bagyong Ada nananatiling mahina, mabagal ang galaw sa silangan ng Mindanao
--Ads--









