Kinuwestyon ng kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang inilabas na kautusan ng korte kaugnay ng kasong “kidnapping with homicide” na kinasasangkutan niya at ng iba pang akusado.
Ayon sa abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal, ang naging desisyon ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26 ay “premature” at labag sa karapatan ng kanyang kliyente na magkaroon ng due process.
Binigyang-diin nito na ang ang arrest order ay “legally questionable” sapagkat ang hukom ay nagbase lamang sa iisang panig ng impormasyon mula sa Department of Justice at hindi isinasaalang-alang ang mga counter affidavits at ebidensya mula sa mga akusado.
Sa kabila nito, iginiit ng abogado na susunod pa rin sila sa ligal na proseso ng korte.
Nakasaad naman sa ‘arrest warrant’ na inilabas ng Regional Trial Court ng Sta. Cruz, Laguna na sundin ng mga awtoridad ang nakasaad sa batas pagdating sa implementasyon ng kautusan laban sa mga ‘respondents’ o akusado sa kaso.









