--Ads--
Tinupok ng apoy ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera Administrative Region sa bahagi ng Baguio City nitong Miyerkules ng hapon, Enero 14.
Ayon sa Baguio City Fire Station, pasado alas-5 ng hapon kahapon nang maiulat sa kanila ang naturang sunog at 5:43 na nang maideklara itong fire out.
Batay sa insiyal assessment ng BFP, nasa 2-square meters ng naturang opisina ang naapektuhan ng sunog.
Wala namang naitalang nasugatan sa pangyayari.
--Ads--
Nakikipag-uganayan na rin ang DPWH sa BFP, at Local Government Unit ng Baguio City para sa imbestigasyon ng naturang insidente.





