Arestado ang 74-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap ng batas sa pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa Cauayan City.
Itinago ang suspek sa alyas na Ed, walang trabaho at residente ng Zone 5, Research, Brgy Minante 1, Cauayan City.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court kaugnay ng kasong Sexual Harassment sa ilalim ng RA 11313 o Safe Spaces Act (Gender-Based Sexual Harassment).
Mayroon namang inirekomendang piyansa na ₱30,000 para sa kaniyang pansamantalang paglagaya.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Cauayan Component City Poloce Station ang operasyon, kasama ang PIDMU-IPPO, RMU2, at 2nd IPMFC.
Matapos ang pagdakip, dinala ang suspek sa kustodiya ng Cauayan Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.










