--Ads--

Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa isang press conference nitong Miyerkoles (Enero 14) na sinadya umano ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan na isumite sa Malacañang ang maling grid coordinates ng libo-libong flood control projects sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Matatandaang ito ang pinagbasehan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa inilunsad nitong “Sumbong sa Pangulo” website nitong nakaraang taon.

Dahil dito, iisyuhan ng Blue Ribbon Committee, na kanya ring pinamumunuan, si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan ng subpoena dahil sa mga umano’y pekeng report ng flood control projects na kanyang  isinumite.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, sinabi ni Lacson na isinumite ni Bonoan ang mga maling grade coordinate na sana’y magtutukoy ng lokasyon ng mga flood control projects sa maraming lugar sa bansa.

--Ads--

Sinabi pa ng senador na nakikipag-ugnayan na ang Senado sa embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos upang matukoy ang kinaroroonan ni Bonoan at agad na maibalik siya sa bansa upang magpaliwanag.