--Ads--

Nagsauli ng P316.3 milyon ang apat na state witness bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa gobyerno kaugnay ng flood control scam, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga itinuturing nang state witness sa ilalim ng Witness Protection Program sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, National Capital Region Regional Director Gerard Opulencia, at contractor na si Sally Santos.

Ayon sa DOJ, nagbalik ang apat ng kabuuang P316,381,500 mula sa tinatayang P1.5 bilyon na dapat nilang isauli. Kabilang dito ang P181 milyon mula kay Alcantara, P80 milyon mula kay Opulencia, P20 milyon mula kay Santos, at P35 milyon mula kay Bernardo.

Itinurn-over na sa Bureau of the Treasury ang nasabing halaga.

--Ads--

Dahil kinikilala na bilang state witness at nakikipagtulungan sa pagpapalakas ng mga kaso, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na wala nang criminal liability ang apat.

Nilinaw naman niya na hindi nangangahulugang absuwelto ang sinuman sa kaso dahil lamang sa pagbabalik ng pera.