--Ads--

Isa sa bawat limang pamilyang Pilipino ang nakaranas ng sapilitang gutom sa huling tatlong buwan ng 2025, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas sa survey na isinagawa noong Nobyembre 24–30, 2025 na 20.1% ng mga respondent ang nagsabing sila’y nagutom at walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Bahagyang bumaba ito mula 22% na naitala noong Setyembre.

Ang average hunger rate ng bansa para sa 2025 ay 20.2%, halos kapareho ng 2024.

Gayunman, mas mataas pa rin ito kumpara sa post-pandemic averages na 13.1% (2021), 11.7% (2022), at 10.7% (2023).

--Ads--

Sa buong 2025, pinakamataas ang average sa Metro Manila (24%), kasunod ang Visayas (21.4%), Mindanao (20.1%), at Rest of Luzon (18.8%).

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa, na may ±3% margin of error.