--Ads--

Pinoproseso na ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang pagkakaroon ng mga clinic sa bawat rehiyon ng lungsod upang matiyak na lahat ng mga residente ay giginhawa ang buhay sa paglalapit ng mga hospital.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr, sinabi niya na patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa Provincial Government at ilan pang ahensya upang makahingi ng pondo para sa clinic o hospital.

Ilan sa mga inaasahang clinic na makakapagbigay serbisyo sa mga residente sa Cauayan ay ang inaayos na Malasakit Center sa West Tabacal at Faustino Dy Hospital sa Forest Region.

Ilan pa sa mga Region ng lungsod ay inaasahang magkakaroon din ng clinic upang hindi mahirapan ang Cauayan District Hospital sa pag acommodate ng mga pasyente.

--Ads--

Ayon pa kay Mayor Dy, maging ang Cauayan District Hospital ay planong pondohan upang mapanatili nito ang magandang serbisyong publiko. Simula aniya nang Congressman pa lamang si Mayor Faustino “Inno” Dy ay nailalapit na sa Congresso ang ilang mga concern sa pagamutan.

Samantala, ayon pa sa Alkalde, wala pang sapat na pondo ang LGU para sa clinic at renovation ng CDH kaya umaasa pa rin ang lokal na pamahalaan sa ibibigay na pondo ng Provincial government.

Samantala, may kaunting paglilinaw naman si City Mayor Jaycee Dy kaugnay sa rehabilitasyon ng Sipat Bridge.

Ayon kay Mayor Dy, may hinihintay pang pondo para sa rehabilitasyon o pagsasaayos ng tulay subalit hanggat wala pa ay mananatili parin ang lumang tulay.

Sa kabila nito tiniyak niya na naghahanda na ang LGU Cauayan at unti-unti na ring nililinisan ang paligid ng tulay dahil ang pondo para sa nasirang approach ay manggagaling pa sa National government habang ang rehabilitasyon ng mismong tulay ay mag mumula sa Provincial Government na nagkakahalaga ng 80 million pesos.