Naglabas ng ‘warrant of arrest’ ang korte sa Batangas laban sa negosyateng Charlie ‘Atong’ Ang kaugnay sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon sa kumpirmasyon ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inisyuhan ng Lipa City, Batangas Regional Trial Court ng ‘arrest warrant’ si Ang maging ang 20 iba pang kapwa akusado para sa ‘6 counts of kidnapping with homicide’ na walang piyansa itinalaga.
Ipinag-utos din ng naturang korte sa mga ‘arresting officer’ ang pagsusuot ng body worn camera at isang alternatibong recording device sa implementasyon ng warrant.
Bukod pa rito’y nauna ng naglabas ng ‘arrest warrant’ ang Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26 sa hiwalay na kasong isinampa laban kay Atong Ang.
Ayon sa Department of Justice ito ay ang 16 counts of kidnapping with serious illegal detention at 10 counts of Kidnapping with Homicide kaugnay sa missing sabungeros.










