Naglabas ng panibagong abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos maitala ang libo-libong pasahero, rolling cargo, at mga sasakyang pandagat na na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa Visayas, Bicol, at Mindanao ngayong Sabado, dahil sa masamang lagay ng panahon.
Batay sa pinakahuling ulat ng PCG, umabot na sa 7,584 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan. Apektado rin ang 39 na pantalan, habang 2,661 rolling cargoes ang hindi nakabiyahe. Na-stranded din ang 31 barko at 2 motorbanca, habang 93 barko at 35 motorbanca naman ang nagsilong sa mga itinalagang ligtas na lugar.
Mga Apektadong Rehiyon at Pantalan
Central Visayas
Apektadong pantalan: Daanbantayan, Carmen, Polambato, at Hagnaya
Na-stranded: 178 pasahero, 96 rolling cargoes, at 6 na barko
Eastern Visayas
Apektadong pantalan: San Juan, Saint Bernard, Maasin, Benit, Padre Burgos, Calubian, Vispet, Sta. Clara, Dapdap, Looc, Naval, Kawayan, Culaba, Biliran, Catbalogan, at Maguinoo
Na-stranded: 2,040 pasahero, 630 rolling cargoes, at 5 barko
Nagsilong: 15 barko at 35 motorbanca
Bicol Region
Apektadong pantalan: Matnog, Pilar, Castilla, Mobo, Masbate, Aroroy, Cataingan, Tabaco, Pioduran, Bacacay, Pasacao, Virac, at San Andres
Na-stranded: 4,504 pasahero, 1,565 rolling cargoes, at 16 barko
Nagsilong: 44 barko
Northeastern Mindanao
Apektadong pantalan: Eva Macapagal, Lipata, Hayanggabon, Dapa, Sering, at Nasipit
Na-stranded: 862 pasahero, 370 rolling cargoes, 4 barko, at 2 motorbanca
Nagsilong: 34 barko
Patuloy namang pinapayuhan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero at shipping companies na makipag-ugnayan sa mga pantalan at lokal na Coast Guard stations para sa pinakahuling travel updates, at umiwas munang bumiyahe kung hindi pa ligtas ang kondisyon ng dagat.
Nakaantabay rin ang PCG upang magbigay ng tulong at masigurong ligtas ang lahat ng apektadong pasahero at tripulante.











