Arestado ng Ilagan City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2‑PIT Isabela East, ang isang indibidwal na may kasong rape nitong Enero 17, 2026 sa Brgy. Marana 2nd, City of Ilagan, Isabela.
Kinilala ang akusado na si alias “Emilio,” 46 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Gud, San Isidro, Isabela, inaresto ito bandang alas-10:39 ng umaga sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inilabas noong Pebrero 22, 2008 ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 18, City of Ilagan, para sa kasong rape.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa naturang kaso. Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Ilagan City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ang pormal na pag-turn over sa korte.
--Ads--











