Opisyal nang tinapos ng pamahalaang lungsod ng Cebu ang search and rescue operations sa Binaliw landfill matapos ang 10 araw kasunod ng pagbagsak ng tambakan ng basura.
Natagpuan ang huling nawawalang biktima pasado alas-5 ng madaling-araw nitong Linggo, Enero 18.
Ayon kay Cebu City Councilor David Tumulak, chairman ng Committee on Disaster Risk Reduction and Management, opisyal nang itinigil ang operasyon matapos marekober ang huling katawan alas-5:41 ng madaling-araw.
Umabot na sa 36 ang nasawi sa insidente habang 18 naman ang nasugatan.
Samantala, sinabi ni Mayor Nestor Archival na agad sisimulan ang imbestigasyon sa dahilan ng pagbagsak ng landfill.
Nangyari ang trahedya bandang alas-5 ng hapon noong Enero 8, nang gumuho ang malaking bahagi ng landfill sa Barangay Binaliw at matabunan ang mga manggagawa ng tone-toneladang basura at mabibigat na makina










