--Ads--

Isang lalaki ang naaresto ng Ilagan Component City Police Station-Drug Enforcement Unit, katuwang ang PDEA Regional Office 2, sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Calamagui 1st, Lungsod ng Ilagan.


Ang naarestong suspek ay kilala sa alyas na “Abbu”, 48 taong gulang, may asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. Sta. Isabel Norte, Lungsod ng Ilagan.


Narekober sa operasyon ang isang (1) piraso ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.12 gramo at halagang ₱816.00, isang (1) tunay na ₱1,000.00 bill bilang buy-bust money, isang (1) Samsung keypad cellphone, isang (1) pulang Honda TMX 155 na may asul na sidecar, salaping nagkakahalaga ng ₱4,600.00, at isang (1) coin purse.


Nasa kustodiya ngayon ng Ilagan CCPS ang suspek at lahat ng narekober na ebidensiya, at isinasagawa ang tamang dokumentasyon at pagproseso ng kaso batay sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--