Hindi bababa sa 27 miyembro ng isang gerilyang grupo sa Colombia ang napatay sa sagupaan laban sa karibal na paksyon sa kagubatan ng Guaviare, timog-kanluran ng Bogotá.
Nagbanggaan ang paksyon ni Néstor Gregorio Vera (Iván Mordisco) at ang grupo ni Alexander Díaz Mendoza (Calarcá Córdoba), parehong dating bahagi ng FARC na naghiwalay noong 2024. Ayon sa militar, lahat ng nasawi ay mula sa grupo ni Vera.
Ang lugar ay estratehiko para sa produksyon at pagpuslit ng cocaine. Kasalukuyang may negosasyon ng peace talks ang grupo ni Mendoza kay Pangulong Gustavo Petro, habang patuloy ang opensiba ng kampo ni Vera matapos masuspinde ang ceasefire.
Ang armadong tunggalian sa Colombia, na tumagal ng mahigit anim na dekada, ay nagdulot na ng mahigit 450,000 kataong nasawi at milyun-milyong nawalan ng tirahan.





